A EULOGY FOR MY FATHER
by Edelle Canonizado
Maliit pa ako nung unang na-stroke si Daddy. Since then hirap na siyang magsalita. So nung lumalaki ako, hindi kami nakakapag heart to heart talk mag-ama. Wala kaming moments mag-ama na uupo at mag-uusap tungkol sa buhay, tungkol sa mga bagay bagay. But despite that, nagawa ng daddy kong maturuan kaming magkapatid ng mahahalagang aral sa buhay. Hindi man sa pagsasalita niya, naturuan kami ni daddy by example.
My dad was a very dedicated worker. Despite his disabilities, araw araw siyang babangon at papasok sa trabaho. Naaalala ko kapag dadalhin niya kami sa trabaho niya pag Christmas party. Proud na proud siya kapag pinapakita niya sa amin yung desk niya, yung trabaho niya, kung ano mang mga ginagawa niya. By his example, tinuruan kami ni daddy'ng mahalin at pahalagahan ang trabaho namin.
My dad taught me the value of education. Dahil hirap siyang magsalita, hindi niya kami nasesermonan tungkol sa school. Ang suwerte nga namin. Hindi niya kami pagagalitan para magaral mabuti. Pero tuwing uuwi ako ng bahay na may award ako or tuwing aakyat siya ng stage para sabitan ako ng medalya, kitang kita ko sa mukha niya na tuwang tuwa siya at proud na proud siya sa akin. Yun ang naging inspirasyon ko para galingan ko sa school. Hindi sermon or hindi pagalit niya kundi dahil I always wanted to make him happy.
My dad was a very loving father. He was always there for me. Sa bawat school program, sa bawat graduation, sa bawat yugto ng buhay ko. He always pulled through for me. He got out of the hospital the day before my wedding to walk me down the aisle. Kahit hanggang ngayon, Daddy pulled through for me. Dahil nga wala ako sa tabi niya nung mamatay siya, kinausap ko siya. Sabi ko "Daddy, bigyan mo ako ng sign. Gusto kong malaman na hindi ka naghirap." And he did. Unang gabi pa lang namin dito sa Pilipinas, binigyan na niya ako ng sign. Ayaw niya akong mag-alala.
My dad also raised us with a strong faith in the Lord. Lumaki kaming nagsisimba tuwing linggo at nagdadasal palagi. At yung faith ko ngayon ang tumutulong sa akin to get through all these. Sa araw araw na pagmimisa namin sa lamay ni Daddy, para bang sa bawat sermon ng pari nasasagot ang mga tanong ko.
Sabi ni father, "find comfort in your happy memories with your Dad". So tuwing malulungkot ako, aalalahanin ko yung times na tatakbo ako sa kanto para salubungin ka galing sa trabaho tapos sabay na tayong lalakad papunta sa bahay. Aalalahanin ko yung time na dinalaw mo ako sa Amerika at naipasyal kita kung saan saan. Sa mga ganong memories na lang ako kukuha ng comfort at lakas.
Isang bagay na napakahirap sa aking intindihin nung una kong marinig na namatay si Daddy ay kung bakit hindi pa naman siya pinaabot ni Lord sa August na uwi namin. Ilang linggo na lang sosorpresahin sana namin siyang buong pamilya at 3 weeks kaming mamamasyal na magkakasama. Ang dami dami kong plano para sa amin. Bakit naman pinagkait pa sa akin ni Lord yung 3 weeks na makasama namin siya ng mga apo niya? Yung ang hindi ko matanggap nung una. Pero sabi nga ni father sa sermon niya, yung pagdadalhan ni Lord kay Daddy ay mas malaki kaysa anong mall na pagpapasyalan ko sa kanya.. yung mga pagkain dun sa pupuntahan niya ay mas masasarap kaysa anong mamahaling restaurants na mapagdadalhan ko sa kanya... yung pupuntahan nila ni Lord ay mas maganda kaysa pinakamagagandang resorts na kaya kong pagdalhan sa kanya. And most importantly, duon sa pagdadalhan sa kanya ni Lord, poging pogi siya. Hindi nahuhulog ang pustiso niya at hindi siya hirap maglakad or kumain.
So malungkot man ako dahil hindi ko na makakasama si Daddy, I'm happy for him dahil alam kong masaya siya ay komportable. Masaya na siya kasama ng nanay at tatay niya at ni Kuya Arvin.
Lastly, gusto ko po kayong pasalamatan lahat sa pag-aalaga at pagtingin ninyo kay Daddy. Kung yung nakikita kong sakrispisyo ninyong lahat at pagseserbisyo ninyo sa ilang gabing burol ni Daddy is any indication kung paano ninyo siya inalagaan nung nabubuhay pa siya, I have peace of mind. I know for sure that my Dad was well-loved and well-taken care of the last 10 years of his life when I was not around. Maraming, maraming, maraming salamat po... sa inyong mga nandito at sa iba pang nag-alaga kay Daddy na nasa ibang bansa. Maraming salamat po.
Daddy, I love you. I will miss you. Ihalik mo na lang ako kay Nanay at kay Lola Ba.
- - -
Edilberto "Beto" Catotocan
February 24, 1951 - July 2, 2010
No comments:
Post a Comment